
PHILIPPINE MISSIONARY FELLOWSHIP, INC.
Worship | Discipleship | Evangelism | Fellowship

ANG PAGHAKBANG

Pagbabago - ito ang simula. Ito rin ang layunin ng mga nagpasimula ng gawain ng Panginoon dito sa Laurel, Batangas. Ang kaya lang gawin ng karamihan ngayon ay pagmasdan mula saTagaytay ang napakagandang tanawin sa ibabang bahagi nito patungo sa pinakapuso ng Batangas, ang Bulkang Taal. Ngunit hindi para sa mga naunang misyonero mula sa Philippine Missionary Fellowship. Nagawa nilang maglakad mula sa taas ng Tagaytay/Crossing Mendez pababa sa Laurel, Batangas at pabalik pataas ng Crossing Mendez nang lakad pa rin upang dalhin ang Mabuting Balita na maghahatid ng pagbabago. Pinili ng mga misyonerong ito ang mga mahihirap na pamilya upang ipangaral ang mensahe ng kaligtasan at akayin sila sa tranpormasyon ng buhay palapit sa ating Panginoon. Tinanggap ng mga taga-Laurel ang mga misyonero at higit sa lahat tinanggap nila ang Panginoong Jesus sa kanilang mga buhay at doon nagsimula ang mabuting pagbabago.
ANG PAGBABAGO
Dahil sa kaligtasang hatid ng Panginoong Jesus at mga aral mula sa Banal na Kasulatan, naitatag ang PMF-Balakilong Christian Church. Ginamit ng Diyos ang mga naunang misyonero at mga manggagawa upang mabago ang buhay ng mga miyembro at mamuhay ayon sa katuruan at mga pangako ng Biblia. Dahil dito,,mula sa mga miyembro hanggang sa mga pamilya at komunidad ay nangyari ang mga mabubuting pagbabago. Sa loob ng halos apat na dekada, ay nagpatuloy at lumago ang gawain. Nakita ng mga miyembro ang mga mabubuting panukala at pangako na inihanda ng Diyos para sa kanila. Natuto silang mangarap dahil natutunan nilang ipamuhay ang Mabuting Balita. Dahil dito, hindi lang ispiritwal na transpormasyon ang naganap, nagkaroon ng pagbabago maging sa pisikal na pamumuhay ng mga kapatiran ng PMFBalakilong Christian Church. Habang lumalago sa bilang ang Iglesia ay nagkakaroon din ng mga professionals na miyembro ang iglesiang ito. Nagkaroon ng mga guro, accountant, nurse, Medtech, pulis, sundalo, coastguard, mga nagtatrabaho sa opisina, mga opisyal sa barangay at sa munisipyo, mga negosyante at iba. At mula sa miyembro ay nagkaroon ng isang Pastor na tinawag upang pangunahan ang naging daughter church nito sa barangay Bugaan East. Ito ang kwento ng PMF-Balakilong Christian, istorya ng mga mabubuting pagbabago.
![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |
ANG PANGARAP

Habang patuloy na binabago ng Diyos ayon sa kanyang wangis, ang mga kapatiran ng PMF-Balakilong Christian Church ay nananalangin at nangangarap kami na magkaroon na bagong bahay sambahan. Mas malaki, upang mapunan ang pangangailan ng mas dumaraming kapatiran na dumadalo upang magpuri at magpasalamat sa tuwing may mga pananambahan at mga gawain, at upang makasunod sa mga pamantayan sa pagtitipon ngayong panahon ng new normal. Mas maganda, mas komportable at mas matibay upang matugunan ang mga pagbabagong nagaganap dahil sa pagbabago ng mga aktibidades ng Bulkang Taal. Higit dito, nais naming magsilbing patotoo sa komunidad sa mga ginagawang kabutihan at pagpapala ng Panginoon sa buhay at pamilya ng PMF-Balakilong Christian Church.
Mapangahas ang pangarap ng Iglesia para sa aming bagong Worship Center. Subalit buong pananamplataya kaming humakbang upang masimulan ang pagpapatayo ng aming bahay sambahan. Nagsisimula pa lamang ang pagbuo nito, at malaki pa ang pangangailangan upang ganap itong maitayo. Kung kaya nananalangin kami at naghahanap ng mga taong nais makibahagi sa pananalangin at pagbibigay ng tulong pinansiyal upang maipagpatuloy namin ang pagpapatayo ng bagong Worship Center na magiging bahagi sa patuloy na pagbabago na gagawin ng Diyos sa Laurel, Batangas sa pamamagitan ng PMF-Balakilong Christian. Pagpalain po tayo ng ating Panginoon!
![]() | ![]() | ![]() |
---|---|---|
![]() | ![]() | ![]() |
![]() | ![]() | ![]() |